Sa ginanap na simpleng seremonya sa munisipyo ng Balayan, Batangas ay pormal na tinanggap ni Defense Secretary Eduardo Ermita ang mga nagsisukong rebelde.
"Ang grupong ito ng mga rebel returnees ay mula sa unang batch na makakatanggap ng livelihood at pinansiyal na tulong mula sa pamahalaan para makapagbagumbuhay," malugod na pagtanggap ni Ermita sa mga nagsisuko nitong kababayang naligaw ng landas matapos sumapi sa kilusan ng mga rebelde.
Nitong nakalipas na Nobyembre 18, 2003 mula sa 1st District ng Batangas na siyang pinagmulan mismo ni Ermita ay may 151 dating mga NPA red fighters ang pormal na tinalikdan ang armadong pakikibaka nang magsipagbalik-loob sa pamahalaan.
Nabatid na ang pagsuko ng nasabing batch ng mga rebelde ay bunsod ng masusing negosasyon na isinagawa ng 740th Combat Group ng 710th Special Operations Wing ng Phil. Air Force at 202nd Brigade ng Phil. Army. (Joy Cantos)