Tagasuporta ng kandidato itinumba

IMUS, Cavite – Isang 59-anyos na lalaki na pininiwalaang masugid na tagasuporta ng kandidatong vice mayor ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad papauwi kasama ang asawa’t dalawang anak sa Barangay San Juan 2, Ternante, Cavite kamakalawa. Napuruhan ang biktimang si Gaudencio Mojica, samantalang ang asawa’t anak nito ay hindi naman nasugatan sa naganap na insidente. Sa imbestigsyon ni SPO1 Antonio Zamora, pauwi na ang biktima mula sa pakikinig ng talumpati ng mga kandidato nang harangin ng mga armadong lalaki dakong alas-11:30 ng gabi. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments