Bus hulog sa bangin: 1 dedo, 7 grabe

CAMP CRAME – Binawian ng buhay ang isang konduktor ng pampasaherong bus habang pito naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang sasakyan ng mga biktima sa malalim na banging sakop ng Barangay Salpang, Tanoy Sur, Tuba, Benguet kahapon ang umaga. Agad na kinalawit ni Kamatayan ang biktimang si Emilio Castillo, samantalang ang mga sugatang pasahero na ginagamot sa Baguio City General Hospital ay sina: Jun Gavino, drayber; Jocelyn Cardona, Susan Lakbangen, Jocelyn Agbayani, Jimmy Manuel, Gary Ricarte at Jimmy Madriana. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, na bumabagtas sa kahabaan ng Maharlika Highway patungong Santiago City ang Filipina Bus Liner (BVK-464) nang magkadiperensya ang makina saka nawalan ng preno kaya nagtuluy-tuloy sa bangin. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments