^

Probinsiya

12 banyaga dinakip sa illegal fishing

-
CAMP AGUINALDO – Nadakip ng mga tauhan ng Phil. Navy ang 12 Indonesian nationals makaraang maaktuhang illegal na nangingisda sa magkahiwalay na operasyong isinagawa sa karagatan ng Tawi-Tawi kamakalawa.

Gayunman, di natukoy sa ulat na ipinarating ng Phil. Navy sa tanggapan ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, ang pangalan ng 12 nasakoteng Indonesian dahil pawang hindi makapagsalita ng Ingles.

Batay sa ulat, dakong alas-2:25 ng hapon nang unang nasabat ng Patrol Ship 31 ng Phil. Navy ang sasakyang pandagat ng mga suspek na F/B EN327/4F na naaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan ng Taganak Island sa Tawi-Tawi.

Kasunod nito, dakong alas-3:45 naman ng hapon nang sumunod na malambat ng Patrol Ship 31 ng Phil. Navy ang isa pang fishing vessel ng mga Indonesian na F/B TB-5767/4F na illegal ring nangingisda sa nasabing lugar.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos hulihin ng mga tauhan ng Phil. Navy. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

CHIEF OF STAFF GEN

GAYUNMAN

JOY CANTOS

KASUNOD

NADAKIP

NARCISO ABAYA

PATROL SHIP

TAGANAK ISLAND

TAWI-TAWI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with