^

Probinsiya

P2.7-B pekeng ginto nasabat

-
CAMP AGUINALDO – Umaabot sa 56 pekeng bara ng ginto na nagkakahalaga ng P2.7 bilyon habang sampung sako naman ng sangkap na pampasabog ang nakumpiska ng mga elemento ng Philippine Navy sa magkahiwalay na operasyon sa La Union kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Navy Chief Vice Admiral Ernesto De Leon, nabawi ang mga pekeng ginto sa isinagawang entrapment operations bandang alas-7:45 ng umaga sa Metro Agoo Branch sa La Union.

Tatlong suspek naman ang nadakip sa nasabing operasyon na kinilalang sina Victorino Bonte ng Rosales, Pangasinan; Ernesto Ramama ng San Jose City, Nueva Ecija; at Nestor Flores ng Bagbag, Nueva Ecija.

Kasunod nito, isa pang operasyon, bandang alas-11 naman ng umaga nang masabat ng mga tauhan ng Navy Intelligence ang sampung sako ng ammonium nitrate na pangunahing sangkap sa paggawa ng pampasabog habang nakalulan sa Palapallatoc Trans Bus na may plakang ACA-725 at minamaneho ni Gerry Palting Asunsion ng Brgy. Buyon, Sta. Teresita Cagayan.

Nabatid na kasalukuyang binabagtas ng nasabing bus ang kabahaan ng highway ng Brgy. Ligaya sa Pagudpud, Ilocos Norte nang maharang ng mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

ERNESTO RAMAMA

GERRY PALTING ASUNSION

ILOCOS NORTE

JOY CANTOS

LA UNION

METRO AGOO BRANCH

NAVY CHIEF VICE ADMIRAL ERNESTO DE LEON

NAVY INTELLIGENCE

NESTOR FLORES

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with