^

Probinsiya

Kinidnap na trader nasagip sa Abu Sayyaf

-
Camp Aguinaldo –Matapos ang mahigit 3-buwang pagkakabihag, nailigtas ng mga elemento ng Phil. Marines ang isang dating bank employee na naging negosyante na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang rescue operations sa isang liblib na lugar sa Patikul, Sulu kamakalawa.

Ang nailigtas na biktima ay nakilalang si Ramon Inoferio, nasa hustong gulang.

Sinabi ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko, dakong alas-9:30 ng gabi nang masagip ng mga elemento ng 3rd Marine Brigade na binaback-up ng dalawang squads ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 10 ang biktima sa bisinidad ng Brgy. Maligay, Patikul, Sulu.

Ayon kay Kyamko, napilitan ang mga kidnaper na abandonahin ang biktima sa takot na masukol ng tropang gobyerno.

"Ang pagkakaligtas sa biktima ay bunga ng masusing intelligence monitoring sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng komunidad sa nasabing lugar," pahayag ni Kyamko.

Magugunita na si Inoferio ay dinukot ng mga tauhan ni ASG Commander Radulan Sahiron matapos puwersahang pasukin ang tahanan nito sa Brgy. Kasanyangan, Jolo nitong nakalipas na Disyembre 2003.

Ang nasagip na biktima ay dinala na sa Camp Asturias Hospital sa Jolo, Sulu para maisailalim sa medical check-up. Patuloy naman ang pursuit operations laban sa grupo ng mga nagsitakas na mga kidnaper. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CAMP AGUINALDO

CAMP ASTURIAS HOSPITAL

COMMANDER RADULAN SAHIRON

JOLO

JOY CANTOS

KYAMKO

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MARINE BRIGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with