CAFGU tinodas ng mga rebelde

CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nakikipagkuwentuhan sa labas ng sariling bahay sa Barangay Santa Catalina, Tarlac City kamakalawa. Hindi na umabot pa ng buhay sa Ramos Hospital ang biktimang si Jesus Galang habang ang misis nitong si Leonora Galang ay malubhang nasugatan matapos na tamaan din ng bala sa katawan. May teorya ang pulisya na inakalang tiktik ng militar at pulisya ang biktima kaya pinaslang. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments