3 pulis-Cavite sabit sa ‘hulidap’

CAVITE – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang tatlong pulis-Cavite makaraang ireklamo ng tatlong kabataan ng kasong hulidap kahapon ang madaling-araw sa Barangay Area B, Dasmariñas, Cavite. nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang sina Reniel Reyes, 17; Edison Domingo, 24 at Errol Buncarawan, 18, na pawang residente ng Barangay Datu Esmael ng naturang bayan. Samantalang ang mga suspek na nakatalaga sa Police Provincial Mobile Group ay nakilalang sina PO1 Leo Angelo Llacer, PO1 Erwin Mendoza at PO1 Ian Seduico. Base sa ulat, ang tatlong tinedyer ay sakay ng motorsiklo nang dinakip ng tatlong pulis bago kinuha ang dalawang cellular phone, mga suot na alahas ng biktima at pera na pambili ng gamot. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments