Campaign coordinator ng vice mayor itinumba
April 1, 2004 | 12:00am
GUAGUA, Pampanga Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang campaign coordinator ng kasalukuyang vice-mayor ng Guagua, Pampanga ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan habang ito ay nangangampanya sa nabanggit na bayan kahapon ng tanghali.
Sa nakarating na ulat kay Police Regional Office-3 (PRO-3) Director Chief Supt. Vidal Querol, kinilala ang biktima na si Emy Capati, 41, residente ng Barangay San Nicolas, Guagua, Pampanga.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng tanghali habang nangangampanya sa plaza ang biktima bilang campaign coordinator ni Guagua Vice Mayor Emilio Capati nang biglang lapitan ng tatlong hindi kilalang kalalakihan at agad na pinaulanan ng bala.
Napag-alaman pa na ang mister ng biktima na si Nestor Manlulu ay dating rebeldeng NPA at umanoy jueteng table manager ay pinagbabaril din hanggang sa mapatay ng mga armadong lalaki sa Angeles City noong nakaraang taon habang ang biktima ay papauwi.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow-up operation ang pinagsanib na puwersa ng Guagua at Pampanga Provincial Police Office (PPPO) upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek kasabay ang masusing imbestigasyon kung ano ang naging motibo sa naganap na pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended