3-katao tinupok ng apoy

CAMP CRAME – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi makaraang masunog ang isang grocery sa likurang bahagi ng pamilihang bayan ng Camiling, Tarlac kahapon ng madaling-araw. Naabo ang mga katawan nina Jasmin, Sonia at Jesus Chua maapos na tupukin ng apoy ang kanilang tindahan dakong alas-2:45 ng madaling-araw.

Ang tatlong biktima ay nakulong sa itaas na bahagi ng kanilang tindahan at hindi na nakuha pang isalba ng mga pamatay-sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy na magmula sa nag-init na linya ng kuryente. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments