Opisyal ng Phil. Army tinodas nang nag-amok na tauhan
March 28, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Pinagbabaril hanggang sa masawi ang isang opisyal ng Philippine Army (PA) ng kanyang tauhan na nag-amok sa loob ng kanilang detachment sa Barangay Cabitan, Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay nakilalang si 2Lt. Cesar Saculo Jardin Jr., 30, may-asawa, OIC ng Bravo Company ng 2 IB ng Philippine Army na nakabase sa nasabing lugar.
Kaagad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Pfc. Mario San Jose Dagala, 46 anyos, tauhan ng biktima at residente ng Barangay Baanan, Magdalena, Laguna.
Batay sa ulat, bago ang insidente na naganap dakong alas-9:45 ng gabi ay lumapit ang suspek sa biktima at nagpaalam na kung maaari ay bibisita siya sa kanyang pamilya dahil sa umanoy hindi pa niya umano ito nadadalaw.
Subalit mariing tinanggihan ng opisyal ang kahilingan ng suspek dahil sila ay naka-red alert batay sa natanggap nilang intelligence report na magsasagawa ng operasyon ang NPA kaugnay sa nalalapit na anibersaryo.
Ikinagalit ng suspek ang naging pahayag ng biktima na naging dahilan para sila ay magkaroon nang mainitang pagtatalo.
Sa galit ng suspek ay ikinasa nito ang dalang armalite at agad na pinaputukan ang nabiglang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Namatay noon din ang biktima dahil sa dami ng bala na tinamo nito sa katawan. (Ulat ni Ed

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest