Malaswang panoorin at prostitusyon sa Subic may basbas ng CIDG-Regiona Office 3
March 22, 2004 | 12:00am
OLONGAPO CITY Lalo pang lumala at naging talamak ang lantarang pagpapalabas ng malalaswang panoorin maging ang prostitusyon sa bayan ng Subic, Zambales dahil ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Office-3 (CIDG-Regional Office-3) ang pinaniniwalaang pumoprotekta sa illegal na operasyon.
Ito ang ibinunyag sa PSN ng isang mapagkakatiwa-laang impormante na sinasabing may basbas mula sa mga tiwaling opisyales ng PNP-CIDG-Region 3 ang illegal na operasyon ng bold shows at prostitusyon sa nasabing lugar.
Isang nagngangalang Allan na umanoy civilian asset at itinuturong bagman ng CIDG sa Camp Olivas ang personal na nagtutungo sa mga establisimiyentong nasasangkot sa mga illegal na operasyon upang kumolekta ng lingguhang payola.
Subalit sinabi ng source na hindi umano mabatid kung magkano ang lingguhang payola na tinatanggap ng naturang bagman mula kina Calapandayan Bar Owners Association (Cabarowa) President Manny Arce at Nestor Mago, mga may-ari ng Pepe Caca, Curacha at Georgetown Disco na pawang sangkot sa pagpapalabas ng malalaswang panoorin at talamak na prostitusyon sa kahabaan ng National Highway, Bgy. Calapandayan, Subic, Zambales.
Sinabi pa ng source na malaking halaga kada linggo ang ibinibigay nina Arce at Mago sa mga tiwaling opisyales ng PNP-CIDG bilang kanilang payola kapalit ng malayang modus-operandi ng dalawang nabanggit.
Ang modus-operandi na ito ay matagal nang inirereklamo ng mga konsernadong mamamayan kay Subic Mayor Jeffrey Khonghun, Ruel Sarmiento, punong-barangay ng Calapandayan, subalit ayon sa impormante ay hanggang sa ngayon ay hindi maaksyunan ang mga hinaing dahil sa proteksyon ng mga tiwaling opisyales at kapulisan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended