Pulis pinatay sa kasalan

CAMP CRAME – Isang kagawad ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ng nakaaway sa kasalan sa Barangay Baraoas Sur, Naguillian, La Union kamakalawa, ayon sa ulat kahapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa hospital ang biktimang si SPO2 Arturo Carlito Mabalot, 38 ng finance service ng PNP Regional Office 1, Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Dante Cacalda.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-8:30 ng gabi nang lapitan ng suspek ang biktimang nagsasayaw sa kasalan. Agad na inundayan ng sunud-sunod na saksak ng patalim ang biktima kaya hindi nakaganti pa at duguang bumulagta. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments