^

Probinsiya

P10-M puslit na asukal nasabat

-
SUBIC BAY FREEPORT – Umaabot sa P10 milyon ng imported refined sugar ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) habang nasa aktong ipinupuslit palabas ng container yard ng Naval Supply Depot (NSD) kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni ESS-CPD Anti-Smuggling Unit chief Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, nakumpiska ang 4,800 sako ng imported smuggled refined sugar habang ito ay lulan ng dalawang trak palabas ng NSD dito sa Freeport.

Napag-alaman na ang nakumpiskang mga saku-sakong asukal ay inimport sa Thailand ng consignee nitong GCC Logistics Inc., isang rehistradong locator ng Freeport Zone na may tanggapan sa Subic Bay Industrial Park, Phase 1, SBFZ.

Sinabi pa ni Alameda na ang nakumpiskang kontrabando ay ipinupuslit patungo sa bodega na pag-aari ng Derubaru Trading Inc., mula sa warehouse ng GCC logistics at walang kaukulang permiso sa pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at sa Bureau of Customs (BoC).

Ayon pa kay Alameda, isang pekeng gate pass ang kanilang narekober mula sa driver ng trak na ginamit upang iprisinta sa mga security police ng SBMA na nagbabantay sa gate ng NSD upang maipuslit ang mga asukal patungo sa Derubaru.

Kaagad na nagpalabas ng warrant of seizure and detention (WSD) si Atty. Arnel Alcaraz, ang bagong talagang District Collector sa Port of Subic laban sa nakumpiskang mga asukal.

Nakatakda namang dalhin ang mga asukal sa warehouse 159 ng Port of Manila dahil umano sa mga kakulangan ng mga pasilidad dito sa naturang freeport. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANTI-SMUGGLING UNIT

ARNEL ALCARAZ

BUREAU OF CUSTOMS

CAPT

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

CUSTOMS POLICE DISTRICT

DERUBARU TRADING INC

DISTRICT COLLECTOR

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

FREEPORT ZONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with