2 killer ng mag-asawa tiklo

SAN FERNANDO CITY, La Union – Nalambat ng mga kagawad ng pulis-La Union ang dalawang lalaki na responsable sa pagpatay sa mag-asawa makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng dalawa sa hangganan ng Barangay Nagyubuyuyan, San Juan at San Fernando City kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Eugenio Dacumos ng Municipal Trial Court Branch 1, dinakip ang mga suspek na sina Avelino Tadina at Rey Abat na nakumpiskahan ng tatlong malalakas na kalibre ng baril at mga bala. Pinapurihan naman ni P/Chief Supt. Claudio Cabreros, police regional director ng Ilocos region sina Col. Diciano, Major Sterling Blanco, at Major Elmer Cabreros dahil sa pagkakadakip ng mga suspek na responsable sa pagkakapatay sa mag-asawang sina Juan at Avelina Abat noong Marso 1, 2004. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments