Jailbreak: 2 patay, 6 pumuga
March 13, 2004 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Dalawang preso ang napaslang, pito ang nasugatan habang anim naman ang nakatakas matapos na ihostage ang kanilang dalawang guwardiya na nauwi sa shootout sa naganap na madugong jailbreak sa Pagbilao, Quezon kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga nasawing preso na sina Anthony Baggay, 27 at Vicente Baguiwan, 31 na kapwa may kasong karnaping at tubong Baguio City.
Ang mga nasugatan matapos ang palitan ng putok ay nakilala namang sina Jail Officer 1 Felixberto Basco habang sa panig ng mga bilanggo ay sina Ralde Vasquez, Alberto Lee, Rafael Caseres, Joey Deduro, Fernando Fabie at Bernandino Bondad.
Patuloy namang tinutugis ang pumugang mga preso na sina Ronilo Galpas, Eduardo Andaya, Erick Basan, Orlando Ramos, Manuelito Aranesta at Henry Andaya.
Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang jailbreak sa BJMP Compound ng Quezon District Jail sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagawang makatakas ng mga preso matapos na magtungo sa Administration Building na binabantayan ng mga jailguard na sina SJO1 Jessie Luce at JO2 Melanie Valencia kung saan ay inagawan ng baril ang naturang mga bantay.
Ditoy nagkaroon ng pagpapambuno sa pagitan ng mga preso at ng mga personnel ng nasabing bilangguan na nagresulta sa shootout na ikinasawi nina Baggay at Baguiwan at pagkasugat ng anim pa sa mga bilanggo.
Nagawa namang makatakas ng iba pa sa mga bilanggo patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Sa ulat, sinabi ni P/Chief Supt. Reynaldo Varilla, Calabarzon Chief na bubuo sila ng Board of Inquiry na pamumunuan ni AFP-Southern Tagalog Command Chief Lt. Gen. Alfonso Dagudag para imbestigahan ang nasabing jailbreak.
Ayon pa sa opisyal, wala umanong palatandaan ng pananabotahe o foul play sa naganap na madugong insidente. (Ulat nina Tony Sandoval,Arnell Ozaeta ,Joy Cantos , Ed Amoroso at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest