Pulis, 1 pa tiklo sa pagpatay sa alkalde
March 9, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nasakote ng mga awtoridad ang isang kagawad ng pulisya at isa pa na itinurong pumatay sa isang alkalde ng Leyte at anak nito sa naganap na madugong pananambang sa Cebu noong Marso 4, 2004.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni Police Regional Office (PRO) 7 Chief P/Director Rolando Garcia kay PNP Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina PO1 Roque Bisnar at Neddy Polistico.
Sina Bisnar at Polistico ay itinurong siyang pumaslang sa mag-amang sina Hindang, Leyte Mayor Roy Jomao-as at anak nitong si Jake sa downtown ng Cebu.
Sinabi ni Garcia na si Bisnar ay aktibong kasapi ng PNP na nakatalaga sa Police Station 2 ng Mandaue City police office habang si Polistico ay tubong Esperanza, Inopakan, Western Leyte at residente ng Brgy. Lawaan II, Talisay City.
Itinuro naman ni Bisnar ang getaway vehicle sa bahay ng nasabing pulis sa Lower Mohon, Talisay City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest