Kinilala ni P/Sr. Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija Police provincial director, ang nasakoteng suspek na si Mario Barrientos, alyas Kato, 43, isang balik-Islam, mekaniko.
Si Barrientos ay nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence and Investigation Branch (PIIB) sa pamumuno ni P/Supt. Rhoderick C. Armamento, mga tauhan ng 307th PMG, Talavera Police, mga ahente ng Anti-Crime Task Force (ACTAF) at ng 3rd ISU-ISG ng Philippine Army.
Nabatid na armado ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 24 Judge Rodrigo Caspillo ng Cabanatuan City, nagsagawa nang dalawang linggong surveillance ang mga awtoridad sa hide-out ng suspek saka nagsagawa ng sorpresang pagsalakay dakong alas-12 ng hatinggabi.
Nakumpiska sa suspek ang M-16 baby armalite, dalawang (2) .9mm pistol, caliber; .38 rev, caliber .22 rev, 17-piraso ng clamor mines; 2 long white C4 explosive, kulay pulang XLT jeep na walang plaka, 160-piraso ng mga bala, cal. 5.56, 50 bala, cal .45, 2 piraso ng 40 mm rifle grenade, 23-bala ng cal .30, ibat ibang uri ng bala at magazines, ID ng Pasig Security Force ng suspek, 1 Kabalikat Civicom para sa suspek, ID ng federation of senior citizen para sa suspek, plaka ng sasakyan (PFD-421) at mga personal na gamit.
Lumalabas sa interogasyon na ang suspek ay gagawing "sacrificial lamb" o magiging suicide bomber sa hindi pa matukoy na lugar at ito ay sa likod ng utos umano ng isang alyas Ghalib.
May nakuha ring last will and testament sa suspek. Nabatid na ang nakalagay sa ilalim na bahagi ng sulat doon ay Balik Islam Unity Congress. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos)