^

Probinsiya

3 pulis patay sa ambush ng NPA

-
BUTUAN CITY – Tinambangan at napatay ang tatlong kagawad ng pulisya ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang rumesponde ang grupo ng mga biktima sa emergency call sa Purok 3, Barangay Taligaman, Butuan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga imbestigador mula sa Eastern Police Precinct ang mga biktimang nasawi na sina SPO4 Jose Aquino, PO3 Frank Cartero at PO1 Paul Paler na pawang tauhan ng PNP-Caraga Traffic Management Group.

Kasalukuyan naman inoobserbahan sa ospital ang kritikal na si Ernesto Alvarez, drayber ng pribadong behikulo na sinasakyan ng mga pulis.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, nilapitan pa ng mga rebelde ang mga biktimang duguan at inupakan pa sa ulo para makasiguro na patay na nga ang tatlong pulis.

Base sa ulat, nakatanggap ng tawag sa radyo ang TMG office sa Butuan City tungkol sa presensya ng inabandonang behikulo na sinakyan ng mga armadong kalalakihan.

Agad na nagresponde ang mga biktimang sakay ng pribadong behikulo dakong alas-10 ng gabi subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng mga rebelde.

Nabatid na bago pa maganap ang pananambang ay binalaan na ng NPA rebels sa pamumuno ni Ka Omar ang mga tiwaling tauhan ng TMG, deputized personnel ng LTO at DENR personnel na itigil na ang pangongotong mula sa mga maralitang magsasakang may dalang produkto na dumaraan sa checkpoint.

Dahil sa pagbalewala sa banta ng NPA ay napilitang isagawa ng mga rebelde ang pananambang na inakalang ang mga biktima ay ang nagmamando sa naturang checkpoint.(Ulat nina Ben Serrano at Joy Cantos)

BARANGAY TALIGAMAN

BEN SERRANO

BUTUAN CITY

CARAGA TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

EASTERN POLICE PRECINCT

ERNESTO ALVAREZ

FRANK CARTERO

JOSE AQUINO

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with