Pulis nanita,dinedo
February 28, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Naging mitsa ng kamatayan ng isang bagitong pulis ang ginawa nitong paninita sa senglot na security guard matapos na patraydor na pagbabarilin ng huli habang ikinasugat naman ng dalawa pa nitong kasamahan sa serbisyo kamakalawa sa Aparri, Cagayan.
Napuruhan ang biktimang si PO1 Ramil Lagundi, miyembro ng 1st Police Mobile Group (PMG) na nakabase sa nasabing bayan.
Ang mga nasugatan na agad namang isinugod sa pagamutan ay nakilalang sina PO1 Joles Salvateria at PO1 Panlimo Calimag.
Nakilala naman ang suspek na nasakote sa follow-up operations na si Antonio Marzan, security guard ng sangay ng Mercury Drug sa bayan ng Aparri.
Batay sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong ala-1 ng madaling-araw sa Brgy. Punta, Aparri matapos na abangan ng suspek ang biktima habang naglalakad sa nasabing lugar kasama ang dalawa pa nitong kaibigang pulis.
Armado ng shotgun ang suspek at bigla na lamang pinaputukan ang biktima kung saan ay nadamay ang dalawa nitong kasamahan.
Nabatid na bago ang pamamaslang ay nakasalubong ni Lagundi ang senglot na si Marzan at pinayuhan nitong umuwi na hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.
Nagalit ang suspek at inabangan ang pagdaan ng biktima sa lugar saka pinagbabaril.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal sa suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended