2 bata binasag ang bungo at isinako
February 25, 2004 | 12:00am
LEGAZPI CITY Malagim na kamatayan ang sinapit ng magkapatid na batang lalaki sa kamay ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang pahirapan bago isinilid sa sako ang bangkay ng mga biktima na natagpuan sa gilid ng kalsadang sakop ng Barangay Washington Drive ng lungsod na ito kamakalawa.
Ayon kay P/Supt. Åmor Macoy, acting chief of police, positibong kinilala ni Carmen Mancanes ang bangkay ng sariling anak na sina Roy, 14 at Rolly Mancanes, 12 na kapwa residente ng Barangay Pigcale ng nasabing lungsod.
Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya na may palatandaang pinahirapan ang mga biktima bago pinatay dahil basag ang bungo, maraming saksak ng patalim sa katawan at sunog ang balat na pinaniniwalaang binuhusan ng mainit na tubig.
Sa salaysay ng inang si Carmen sa pulisya, hinanap niya ang dalawa dahil sa hindi na bumalik noong Linggo ng gabi mula sa pamimili ng bakal at bote.
May teorya naman ang tiyuhing si Fernando Lopez, barangay kagawad na napagkamalang maninikwat matapos na pumasok sa pribadong compound para manguha ng mga kalawanging bakal at bote.
Nabatid sa ina ng mga biktima na ang dalawa ay natigil sa pag-aaral dahil sa namayapa na ang kanilang ama kaya tumulong na lamang sa paghahanap-buhay.
Naniniwala naman ang pulisya na agad na mareresolba ang krimen kapag nakipagtulungan ang kalaro ng mga biktima dahil sa namataan ang huling pinagmulan ng dalawa bago paslangin. (Cet Dematera at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest