^

Probinsiya

Ama todas sa ambush, anak sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang ama habang sugatan ang 17-anyos nitong anak na lalaki matapos silang paulanan ng bala ng motorcycle riding-in-tandem sa highway ng Brgy. Balao sa Burauen, Leyte noong Biyernes.

Kinilala ang nasawi sa pangalan lamang nitong Rico, 40-anyos, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang patuloy n nilalapatan ng lunas sa Burauen District Hospital ang 17-anyos nitong anak na si alyas “Yanyan”.

Sa ulat ng Leyte Provincial Police Office (PP), dakong alas-11:55 ng gabi habang lulan ng behikulo ang mag-ama galing sa pagtitipon sa Brgy. Balao at pauwi na sa kanilang tahanan sa Brgy. Paghudlan, Burauen­ nang pagbabarilin ng riding-in-tandem na pagsapit sa nasabing lugar.

May natukoy nang persons of interest ang awtoridad sa krimen na ang sinisilip na motibo ay personal na galit.

LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with