^

Probinsiya

2 patay sa vehicular accident

-
Guinyangan, Quezon – Dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang nasawi makaraang aksidenteng bumangga ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa isang truck na kargado ng bakal kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Antonio ng bayang ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Theman Hermosura, 25-anyos, binata at Danilo Ramos Jr., 23; konduktor ng bus; pawang residente ng Brgy. Balinarin sa bayan ng Guinyangan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Samson Ricafrente, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng hapon habang binabagtas ng motorsiklong may plakang PU 8023 ang kahabaan ng highway ng Brgy. San Antonio ng maganap ang sakuna.

Dahilan umano sa dulas ng kalye ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Hermosura hanggang sa mag-slide ang motorsiklo at bumangga sa isang nakaparadang 10 wheeler truck na may plaka namang WRC-251 na minamaneho naman ni Dennis Lorica.

Agad namang binawian ng buhay sa insidente ang dalawang biktima dahilan sa pagkakatusok ng kanilang mga katawan sa mga bakal na nahulog mula sa ibabaw ng truck. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

BALINARIN

BRGY

DANILO RAMOS JR.

DENNIS LORICA

GUINYANGAN

SAMSON RICAFRENTE

SAN ANTONIO

THEMAN HERMOSURA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with