2 NPA patay, 5 pa nasakote ng militar

KAMPO SIMEON OLA – Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa isang enkwentro, habang lima pa sa mga kasamahan ng mga ito ang nasakote ng mga miyembro ng Philippine Army sa magkahiwalay na insidente, kahapon ng umaga sa Brgy. Cabitan at Sitio Layag, Tagpu Mandaon, Masbate.

Kinilala ang isa sa mga nasawi sa pangalang Francisco Rabino alyas Tatad, habang ang mga nasakote naman ay kinilalang sina Jordin Banoy, 43; Luciano Apues, 52; Airel Apues, 24; Michael Dawaton, 21, at Alladdin Suriaga, 32, na pawang mga residente ng naturang mga nabanggit na lugar.

Batay sa ulat, naganap ang unang enkwentro dakong alas-5 ng madaling araw sa Sitio Upao, Brgy. Cabitan kung saan ay may 30 miyembro ng NPA ang nakasagupa ng militar.

Dakong alas-9 naman ng umaga ay naaresto ang nabanggit na limang NPA. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments