2 NPA patay, 5 pa nasakote ng militar
February 21, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi sa isang enkwentro, habang lima pa sa mga kasamahan ng mga ito ang nasakote ng mga miyembro ng Philippine Army sa magkahiwalay na insidente, kahapon ng umaga sa Brgy. Cabitan at Sitio Layag, Tagpu Mandaon, Masbate.
Kinilala ang isa sa mga nasawi sa pangalang Francisco Rabino alyas Tatad, habang ang mga nasakote naman ay kinilalang sina Jordin Banoy, 43; Luciano Apues, 52; Airel Apues, 24; Michael Dawaton, 21, at Alladdin Suriaga, 32, na pawang mga residente ng naturang mga nabanggit na lugar.
Batay sa ulat, naganap ang unang enkwentro dakong alas-5 ng madaling araw sa Sitio Upao, Brgy. Cabitan kung saan ay may 30 miyembro ng NPA ang nakasagupa ng militar.
Dakong alas-9 naman ng umaga ay naaresto ang nabanggit na limang NPA. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Tony Sandoval | 22 hours ago
Recommended