Pagtugis sa Pentagon KFR group sinuspinde
February 19, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Pansamantalang sinuspinde ng tropa ng militar ang isinasagawang pagtugis laban sa notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang na responsable sa pagdukot sa mayamang negosyanteng babae sa Lambayong, Sultan Kudarat upang bigyang-daan ang negosasyon para sa pagpapalaya sa biktima.
Sinabi ni Brig. Gen. Agustin Dema-ala, Commander ng Armys 301st Brigade, na ipinag-utos na niya ang pansamantalang pagpapatigil ng pagtugis laban sa grupo ni Pentagon KFR leader Commander Mayangkang Saguile sa kahiligan na rin ng mga lokal na opisyal ng lalawigan.
Ayon kay Dema-ala nagpadala na ng mga emisaryo ang mga lokal na opisyal sa lalawigan upang makipagnegosasyon sa mga kidnaper ng biktimang si Zoila Kansi.
Nauna nang humingi ng P8 milyon ransom ang mga kidnaper sa pamilya ni Kansi kapalit ng pagpapalaya sa biktima.
Sa kabila nito, sinabi ni Dema-ala na bagamat pansamantalang inihinto ang operasyon ay mananatili ang tropa ng militar sa bahagi ng mga hangganan ng Sultan Kudarat at Maguindanao partikular na sa Liguasan Marsh upang mapigilan ang mga kidnaper sakaling tangkaing tumakas.
Magugunita na si Kansi, isang grocery owner at soda dealer ay dinukot ng sampung armadong kalalakihan sa loob ng kaniyang tindahan sa Lambayong Public Market noong nakalipas na Pebrero 12 at tinangay sa bulubunduking hangganan ng lalawigan ng Sultan Kudarat at Maguindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest