Base sa ulat na nakarating sa tangapan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido Jr., dakong alas-10 ng umaga nang salakayin ng mga elemento ng PDEA at Kalinga Provincial Office (PPO) ang plantasyon ng marijuana sa hangganan ng Tabuk at Rizal, Kalinga.
Umaabot sa 4,000 puno ng marijuana at 6,000 pang binhi nito ang narekober sa may 3,000 metriko kuwadradong plantasyon.
Sa isa pang insidente, dakong alas-9 naman ng gabi nang lusubin ng mga awtoridad ang plantasyon ng marijuana sa Tagudin, Ilocos Sur.
Umaabot sa P4 milyon ang nasamsam na mga puno at binhi ng marijuana. Nabigo namang madakip sina Pepito Alcatis, Elvis Gualdo at tatlong tinukoy lamang sa mga alyas na Dolo, Pey-en at Basilio na pawang wanted. (Joy Cantos)