‘Di naka-graduate nagbigti

ANTIPOLO CITY – Pinaniniwalaang dinamdam ng isang 17-anyos na estudyanteng lalaki ang hindi mapasama sa pagtatapos ng high school sa taong kasalukuyan kaya nagdesisyong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Dela Paz ng lungsod na ito kahapon ng umaga. Bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ng kaibigan ang bangkay ni Anthony Perez ng Sitio Lucban ng nabanggit na barangay. Napag-alaman sa salaysay ng kaibigan na nahihiya ang biktima na magpakita sa sariling magulang dahil hindi napasama sa mga estudyanteng magtatapos si Perez kaya pinalalagay na nag-suicide. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments