^

Probinsiya

6 absuwelto sa bitay

-
Anim na akusado na hinatulang mabitay ng mababang hukuman ang inabsuwelto ng Korte Suprema makaraang mapatunayang inosente sa kasong pagpatay noong Disyembre 28, 1999 sa Bauang, La Union.

Sa 16-pahinang desisyon, pinawalang-sala sa kasong murder sina Nestor Marquez, Benjamin Laegen, Rodolfo Sagun, Rodemir Guerzo, Mellke Ignacio at Nelson Echabaria na pinatawan ng kamatayan ng La Union Regional Trial Court Branch 67 dahil sa isinasangkot sa pagpatay sa apat na sibilyan.

Kinatigan naman ng Korte Suprema ang parusang bitay sa dalawang kasama ng anim na sina Dominador Cachola at Ernesto Salazar dahil sa positibong kinilala ng testigong 12-anyos na si Jessie Barnachea.

Agad namang inatasan ang Bureau of Corrections ng mataas na hukuman ang pagpapalaya sa anim. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BENJAMIN LAEGEN

BUREAU OF CORRECTIONS

DOMINADOR CACHOLA

ERNESTO SALAZAR

JESSIE BARNACHEA

KORTE SUPREMA

LA UNION

LA UNION REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MELLKE IGNACIO

NELSON ECHABARIA

NESTOR MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with