Jailbreak:15 preso pumuga
February 5, 2004 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Labinlimang preso ang tinutugis ngayon ng mga awtoridad makaraang makatakas mula sa Rodriguez Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) sa Brgy. San Jose ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Rizal Provincial Director Sr/Supt. Leocadio Santiago ang mga nakapuga na sina Eddie Mendoza, Rodel Nicolas, Eddie Nicolas, Nomer Loriz, Renato Guillermo, Rommel Neria, Derius Zafra, Jeffrey Zafra, Ferdie Orbino, Lenilo Egos, Alexander Gonzales, Leo Laraza, Jojie Quizora, Neyre Montes at Franklin Mahinay, ang mga ito ay may mga kasong robbery hold-up, drug pushing at possession of illegal drugs.
Base sa ulat, nadiskubre ang pagtakas dakong alas-4:30 ng madaling-araw ng mga duty guard ng Rodriguez BJMP na matatagpuan sa Forestry Compound Brgy. San Jose ng bayang ito.
Nabatid na nag-iinspeksyon sina SJ04 Jose Minebe at JO1 Alberto Dejemel nang makita nilang wala ng tao sa isang selda kaya mabilis nilang ipinagbigay-alam ang insidente kay BJMP Warden Jail Chief Inspector Mamerto Delloro Jr.
Napag-alaman sa imbestigasyon na nilagare ng mga preso ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kulungan at saka nagsitalon sa sampung talampakang taas na pader at tuluyang nagsitakas.
Sinibak naman sa puwesto ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina ang jailwarden ng Rodriguez, Rizal municipal jail matapos na matakasan ng 15 preso.
Si Sr. Supt. Mamerto Delloro ay tinanggal sa puwesto at papalitan ni Supt. Malik Dagalangit. (Ulat nina Edwin Balasa at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended