Kawal dinedo dahil sa alak

CAMP CRAME – Dahil sa pinagtalunang bayad sa alak sa loob ng videoke bar ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 39-anyos na kawal ng Phil. Army ng kapwa sundalo kamakalawa ng gabi sa Barangay Abucay, Pilar, Sorsogon.

Napuruhan ang biktimang si S/Sgt. Dereo Formon ng Army’s 9th Infantry Battalion, samantalang tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Ronel Victor de Jesus matapos na magpaputok ng baril ang sumukong suspek na si Sgt. Rodolfo Estares, 44 ng Ligao City. Sa imbestigasyon, lumalabas na nagtalo ang dalawa sa pambayad ng alak na kanilang nainom hanggang sa maganap ang insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments