^

Probinsiya

Pulis, sibilyan grabe sa ambush

-
Dalawa katao na kinabibilangan ng isang pulis ang nasa malubhang kalagayan makaraang paulanan ng bala ng isang grupo ng armadong kalalakihan sa naganap na pananambang, kamakalawa ng madaling araw sa Zamboanga City.

Ginagamot sa Ciudad de Zamboanga Medical Center ang mga biktima na sina PO1 Mujirin Juliet Hajan, nakatalaga sa 908th Police Mobile Group (PMG), Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) at ang sibilyang si Farouk India Alpad, pawang mga residente ng Newslane Road, Baliwasan, ng nabanggit na lungsod.

Isang man-hunt operation naman ang kasalukuyang isinasagawa ng awtoridad laban sa mga suspect na ang isa ay kinilala lamang sa alyas na "Ben" na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Naganap ang pananambang dakong alas-2:30 sa kahabaan ng Nuñes Extension, Zamboanga City kung saan bago umano naganap ang insidente ay nakabangga ng mga biktima ang mga suspek na noo’y nag-iinuman sa MGG Restaurant and Videoke Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Camins Ave., ng naturang lungsod.

Minabuti na lamang ng mga biktima na umalis sa nasabing lugar upang makaiwas sa gulo.

Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay sinundan sila ng mga suspek at bigla na lamang pinaulanan ng mga ito ang kanilang kinalululanang kotse na malubhang ikinasugat ng mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

AUTONOMOUS REGION

CAMINS AVE

FAROUK INDIA ALPAD

JOY CANTOS

MUJIRIN JULIET HAJAN

MUSLIM MINDANAO

NEWSLANE ROAD

POLICE MOBILE GROUP

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with