Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, dakong alas-9 ng gabi nang masabat ng Armys 35th Special Forces Company (SFC) kasama ang mga tauhan ng CAFGU ang barkong M/V Alna sa karagatan ng Mariki.
Nang sitahin ng tropa ng militar ang mga tripulante ng barko ay walang maipakitang dokumento na legal ang pagbibiyahe nila ng kargamento.
Sinabi ni Kakilala na umaabot sa 300 sako ng asukal at bigas ang nasamsam na nagkakahalaga ng P250,000.
Ang mga nasamsam na smuggled goods ay pinaniniwalaang galing pa sa Malaysia. Dinala na sa Majini whart sa Southern Commnd sa Zamboanga City ang nakumpiskang smuggled goods para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)