^

Probinsiya

Mga kandidato na nagbayad ng PTC sa NPA kakasuhan

-
Sasampahan ng kasong kriminal ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang kandidato na mapapatunayang nagbabayad ng ‘Permit-to-Campaign Fees’ sa mga rebeldeng New People’s Army kaugnay ng nalalapit na May 10 national elections.

Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Joel Goltiao, sa kasalukuyan ay mino-monitor na nila sa tulong ng militar ang mga pulitikong nagbabayad ng campaign fee sa mga rebelde.

Sinabi ni Goltiao na ang kailangan na lamang ay matibay na ebidensya bago tuluyang masampahan ng kaso at maipatupad ang posibleng pag-aresto laban sa mga pulitikong patuloy na nagpapadala sa pananakot ng mga rebelde.

Gayunman, aminado si Goltiao na bagaman may mga pulitiko silang namo-monitor na aktibong nagbabayad ng PTC’s sa NPA ay nahihirapan silang humanap ng testigo laban sa mga ito.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Goltiao ang mga pulitiko na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung nakakatanggap sila ng pananakot mula sa hanay ng mga rebeldeng komunista.

Sa panig naman ni Armed Forces of the Philippines-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, sinabi nito na may mga natatanggap din silang ulat na may mga pulitikong kandidato na maliban pa sa pagbabayad ng PTC’s ay sumusuporta rin sa mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-PUBLIC INFORMATION OFFICE

CAMPAIGN FEES

CHIEF LT

DANIEL LUCERO

GOLTIAO

JOEL GOLTIAO

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPOKESMAN P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with