Ang suspek ay nakilalang si Sonny Go Ku, na kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong illegal drugs.
Ang pagkakaaresto kay Ku, ay isinagawa ng pinagsamang puwersa ng Baguio City police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Traffic Management Group nang salakayin ang bahay ng suspek noong Huwebes ng umaga.
Ang pagsalakay ay isinagawa batay sa ipinalabas na search warrant na inisyu ni Judge Antonio Reyes ng Baguio City Regional Trial Court-Branch 61 at nakuha sa tahanan ng suspek ang 11.90 gramo ng shabu, 6 ecstasy pills at tuyong dahon ng marijuana na ang halaga ay umaabot sa humigit kumulang na P30,000.
Sinabi ni Cordillera police director Chief Supt. Rowland Albano, na ang matagumpay na pagkaaresto kay Ku ay dahil sa pakikipagtulungan ng mga residente.
Nais ng mga residente na maging drug free ang kanilang lugar kaya naman ay nagbibigay ito ng mga impormasyon sa pinaghihinalaang mga drug pusher.
Tatlong araw bago naaresto si Ku ay isang 19-anyos na lalaki at kasama nito ang naaresto matapos i-tip ng mga residente na sila ay may dalang 250 gramo ng marijuana sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Abra, hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga pulis at barangay tanod.
Noong nakalipas na Pasko ay isang kilong marijuana brick na nagkakahalaga ng P2,500 ang nakumpiska ng pulisya sa isang checkpoint sa Nambaran, Tabuk.(Ulat ni Artemio Dumlao)