^

Probinsiya

Jeep vs trak: 13 katao grabe

-
BINANGONAN, Rizal – Labintatlong sibilyan ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon makaraang magsalpukan ang pampasaherong dyip at trak sa highway na sakop ng Barangay Tayuman sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat ng pulisya, sumabog ang kaliwang gulong ng trak (NBM-907) sa kahabaan ng highway na sakop ng nabanggit na barangay kaya nawalan ng kontrol ang drayber na si Arturo Medina ng Brgy. Macamot hanggang sa sumalpok sa kasalubong na pampasaherong dyip (NJJ 155).

Kabilang sa mga biktimang inoobserbahan sa Agono District Hospital ay sina Mario delo Santos, Allan Santiago, John Bernard Pullantes, Annabelle Roxas, Medonia Salido, Amador Cerrero, Marilyn Aneo, Grace Bonifacio, Silvestre Bagarino, Joyce Ann Lumberio, Isabel Lucanias, Lolita Talavera at John Talavera. (Ulat ni Edwin Balasa)

AGONO DISTRICT HOSPITAL

ALLAN SANTIAGO

AMADOR CERRERO

ANNABELLE ROXAS

ARTURO MEDINA

BARANGAY TAYUMAN

EDWIN BALASA

GRACE BONIFACIO

ISABEL LUCANIAS

JOHN BERNARD PULLANTES

JOHN TALAVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with