Pulis dedo sa ambush ng NPA

CAMP CRAME – Tinambangan at napatay ang isang opisyal ng pulisya ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Purok 8, Barangay Bucac, Baguyan, Agusan del Sur Kamakalawa. Napuruhan ang biktimang si P/Senior Insp. Clotildo Almedilla, 55 ng Internal Affairs Services ng Agusan del Sur Police Provincial Office.

Naitala ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi sa tagiliran ng kalsada na sakop ng nabanggit na barangay. Nabatid pa na pinagbabaril pa ang biktima habang duguang nakahandusay para masigurong patay na. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments