Kinilala ang biktima na si Capt. Felix Cabardo na nagtamo ng grabeng sugat sa katawan sa insidente na siyang dagliang kumitil sa buhay nito. Base sa ulat dakong alas-6:20 ng umaga habang pinalilipad ni Cabardo ang single seater sprayer aircraft na may body number RPR 2463 at pag-aari ng Lapanday Food Corp. ng maganap ang sakuna sa Sitio Lumbia, Poblacion, Malalag, Davao del Sur.
Habang nag-i-spray umano sa Banana Plantation ng MVPI South ang aircraft ay aksidente itong sumabit sa kable ng kuryente ng National Power Corporation (NAPOCOR) main line. (Ulat ni Joy Cantos)