^

Probinsiya

Sakristan nanikwat sa simbahan,todas sa sikyo

-
CAMP CRAME – Isang 22-anyos na sakristan ang binaril at napatay ng guwardiya makaraang maaktuhang naninikwat ng malaking halaga sa pinapasukang simbahan na sakop ng Poblacion, Cebu City kamakalawa.

Idineklarang patay sa Cebu City Medical Center si Michael Capacite, working student at namamasukan bilang sakristan sa Basilica Minore del Sto. Niño.

Agad naman sumuko sa himpilan ng pulisya si Ricardo Talisic matapos na makilalang sakristan si Capacite na nakatakip sa mukha ng t-shirt.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, nagroronda sa paligid ng simbahan si Talisic nang makarinig at maramdaman nitong may kaluskos na likha sa loob ng binabantayang lugar.

Dahil dito ay dahan-dahang nilapitan ni Talisic ang kinaroroonan ng sakristan na noo’y nililimas ang malaking halaga na nakapaloob sa donation box.

Naramdaman naman ni Capacite ang paglapit ni Talisic kaya tinangka nitong agawin ang hawak na baril hanggang sa magpambuno ang dalawa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang pumutok ang pinag-aagawang baril na nagresulta para tamaan sa kanang kilay si Capacite na nakatakip pa ang mukha.

Ayon pa sa ulat, nang tanggalin ni Talisic ang t-shirt sa mukha nang nakalaban ay natuklasang isa pala sa kanilang mga sakristan ang nakapambunong si Capacite.(Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BASILICA MINORE

CAMP CRAME

CAPACITE

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

DAHIL

JOY CANTOS

MICHAEL CAPACITE

RICARDO TALISIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with