Huey chopper bumagsak: 4 sugatan
January 11, 2004 | 12:00am
Camp Aguinaldo Apat na kasapi ng Phil. Air Force (PAF) kabilang ang dalawang piloto ang masuwerteng nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan matapos na aksidenteng bumagsak ang sinasakyan ng mga itong helicopter sa South Reclamation Project (SRP) sa Cebu City kamakalawa ng hapon.
Ang mga nakaligtas bagaman nagtamo ng bahagyang sugat at mga galos sa katawan ay sina Captain Jovan Morada, instructor pilot; 1st Lt. Aquino, student pilot at dalawang crew members na sina Staff Sgts. Demata at de Guzman.
Ayon kay Major Restituto Padilla, Spokesman ng Phil. Air Force (PAF), kasalukuyang nagsasagawa ng training mission ang kanilang UH-IH Huey helicopter na nakabase sa Cebu ng maganap ang sakuna dakong alas-4 ng hapon.
Sinabi ni Padilla na bagaman napinsala sa pagbagsak ang kanilang aircraft ay ligtas naman sa kapahamakan ang apat na lulan nito.
Ayon kay Padilla, kasalukuyang nagsasagawa ng advance emergency procedures training ang naturang helicopter nang bigla itong magloko sa himpapawid hanggang sa hindi na makontrol ng piloto at tuluyang bumulusok pababa sa isang bakanteng lote sa reclamation area.
Sinabi ni Padilla na bago tuluyang bumagsak ang helicopter ay nagawa pang isara ni Morada ang makina nito para mapigilang sumabog at lumikha ng sunog sa pagsayad sa lupa. Mabilis namang nakalabas sa helicopter ang apat na lulan nito na sinaklolohan ng rescue team habang patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng naturang aircraft. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am