^

Probinsiya

4 suspek sa bombing tukoy na,tinutugis

-
CAMP AGUINALDO – Apat na suspek ang pakay ngayon ng malawakang pagtugis ng mga operatiba ng militar kaugnay sa madugong pambobomba sa gymnasium ng Parang, Maguindanao na kumitil sa 22-katao habang mahigit 80 pa ang nasugatan.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, may bagong anggulong tinitingnan ngayon ang militar sa pambobomba dahil maaaring kagagawan ito ng mga terorista maliban sa naunang lumutang na motibong pulitika.

Una rito, lumutang ang anggulong pulitika sa pambobomba dahil katatapos lamang magtalumpati ni Parang Mayor Vivencio Bataga, kabilang sa mga sugatan sa liga ng basketball sa kanilang lugar ng maganap ang pagsabog. Nabatid na ito ang ikaapat na pagtatangka sa buhay ng alkalde.

Ayon kay Abaya, hindi maaaring ipagsawalang bahala ang anggulo ng terorismo sa insidente dahil walang piniling target ang mga terorista maging Muslim ay konektado sa ilang pulitiko sa lugar na mahigpit na kalaban ni Mayor Bataga.

Gayunman, tumanggi si Senga na tukuyin ang pagkakakilanlan ng nasabing mga pulitiko dahil baka makagulo lamang ito sa kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Senga, mayroon umano silang testigo na nagturo sa apat na suspek na may kagagawan sa pagpapasabog.

Aminado naman si Senga na mas pinagtutuunan ng mga imbestigador ang anggulo ng pulitika sa kaso dahilan maraming beses ng pinagtangkaan ng kanyang mga kalaban ang buhay ng naturang alkalde.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABAYA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CHIEF OF STAFF GEN

JOY CANTOS

MAYOR BATAGA

NARCISO ABAYA

PARANG MAYOR VIVENCIO BATAGA

SENGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with