1 patay sa nag-amok

RIZAL – Dahil sa nawawalang panggatong na kahoy ay nagawang mag-amok ng saksak ng isang kasapi ng Guardian Brotherhood Association na ikinasawi ng isang 39-anyos na sibilyan sa Barangay San Andres, Cainta kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa kaliwang dibdib ang biktimang si Bienvenido Benignos, samantalang malubha naman ang isa pang babae na si Remy Gandia, 40 na kapwa residente ng Glass Street, Lakas Bisig West Floodway, Barangay San Andres.

Dahil sa tumangging paawat ang suspek na si Estelito Mirasol ay nagdesisyon si Nicodemes Abeda, isa rin kasapi ng GBA na barilin sa kanang binti para hindi na makadisgrasya.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na dakong alas-2 ng madaling-araw nang umuwing senglot ang suspek at napansin nito na nawawala ang inipong panggatong sa silong ng kanilang bahay.

Dito na nag-amok ang suspek hanggang sa manaksak sa bawat nakakasalubong. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments