Kuya tinodas ni bunso

KAMPO SIMEON OLA – Isang 25-anyos na lalaki ang iniulat nasawi makaraang hatawin ng matigas na bagay sa ulo ng sariling utol sa pagpasok ng Bagong Taon sa Sitio Risca, Barangay Godofredo Reyes Sr., Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Walang buhay na bumulagta ang biktimang si Saturnino Luwalhati, samantalang tumakas naman ang suspek na si Juanito Luwalhati, 24, may asawa at kapwa magsasaka.

Bandang alas-11:30 ng gabi nang pagsabihan ng suspek ang biktima na magbago ng buhay dahil sa kalimitang senglot sa alak. Dito nairita ang biktima kaya sinigawan ang kapatid hanggang sa magtalo at nauwi sa pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments