SK chairperson, 1 pa kritikal sa pamamaril
December 27, 2003 | 12:00am
Camp Pantaleon Garcia, Cavite Pinaniniwalaang may bahid ng pulitika ang pamamaril sa isang pangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) at kaibigan nito matapos na harangin ng hindi pa nakilalang grupo ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Tanza ng lalawigang ito.
Ang mga biktima na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa UMC Hospital ay nakilalang sina Sheree Ann Perez, 18 anyos, SK Chairperson at ang kaibigan nitong si Charlito Poblete alyas Junjun/Momoy, 20 anyos, binata , driver at residente sa lugar.
Masuwerte namang hindi tinamaan ang dalawa pang kasama ng mga biktima na sina Kim Blanen at Arianne Gutierrez, pawang mga residente sa lugar.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Wilfredo Plamos , may hawak ng kaso dakong alas-8:30 ng gabi habang bumabagtas ang Yamaha tricycle na kinalululanan ng mga biktima na may plakang VP 6829 na minamaneho ni Poblete nang harangin at pagbabarilin ng mga suspek sa Brgy. Amaya , Tanza.
Ang mga suspek ay lulan umano ng isang owner type jeep kung saan pagtapat sa mga biktima ay agad na pinuntirya ng pamamaril ng mga suspek. Nagsasagawa na ng follow up operations ang mga awtoridad upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga suspek. (Ulat ni Christina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest