3 hunters minasaker ng MILF rebels
December 27, 2003 | 12:00am
Camp Aguinaldo Mistulang mga baboy ramong itinali ang mga paa at kamay bago pinagtataga saka binistay ng bala ang tatlong mangangaso ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos makorner sa kagubatan ng Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Bunga nito, inakusahan ni Col. Fredesvindo Covarrubias ng AFP-Southern Command ang MILF na sadyang isinailalim sa summary execution ang tatlong inosenteng mangangaso dahilan napagkamalan ang mga itong informer ng militar.
Ayon sa report, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na halos nagkagutay-gutay ang mga bangkay sa dami ng taga at tama ng balang tinamo sa kanilang mga katawan ng marekober ng militar pasado alas-2 ng hapon.
Ayon kay Covarrubias sa kabila ng idineklarang ceasefire ay walang awang pinaslang ng mga rebeldeng MILF ang tatlong biktima na aksidente lamang napagawi sa balwarteng teritoryo ng naturang separatistang grupo sa kagubatan ng Zamboanga del Sur.
Sa panig ng MILF, itinanggi naman ng kanilang Spokesman na si Eid Kabalu na ang kanilang grupo ang nasa likod ng pangma-massacre sa tatlong mangangaso.
Ikinatwiran ni Kabalu na maaring mga bandido o kaya naman ay mga cattle rustlers ang nasa likod ng karumaldumal na krimen at hindi ang kanilang mga tauhan.
Magugunita na nauna nang inakusahan ng militar ang MILF ng paglabag sa tigil putukan dahilan sa pagkakanlong sa mga dayuhang teroristang Jemaah Islamiyah (JI) na nagtatago at nagsasanay sa mga kampo ng separatistang mga rebeldeng Muslim sa Mindanao Region. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am