^

Probinsiya

Hepe tinutukan ng baril ng tauhan

-
Camp Crame – Dahilan lamang sa hindi pagpapahintulot na makapagbakasyon ngayong X’mas season, tinutukan ng baril ng isang bagitong pulis ang kaniyang hepe sa loob mismo ng kanilang headquarters sa Aringay, La Union kamakalawa.

Nasa hot water ngayon ang pinaghahanap na suspek na kinilalang si PO1 Robert Agsauljo sanhi ng pambabastos sa kaniyang opisyal na si SPO4 Henry Jacob, nakatalaga bilang Provincial Chief ng La Union Provincial Traffic Management Group at siya ring Regional Executive Senior Officer (RESPO) ng Regional Traffic Mobile Office (RTMO) 1 ng Carlatan, San Fernando City.

Ayon sa reklamo ni Jacob sa Aringay Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa sa loob ng kanilang headquarters na matatagpuan sa Brgy. San Eugenio nang magpaalam ang suspek para magbakasyon ng ilang araw ngayong kapaskuhan.

Hindi naman ito pinayagan ng kaniyang opisyal dahilan naka-duty ang nasabing pulis bunsod upang magalit ito kung saan ay bigla na lamang tinutukan ng .45 caliber pistol ang kaniyang superior.

Dahil sa naramdamang panganib ay nakipagpambuno si Jacob kay Agsauljo at nagawa nitong maagaw ang armas na agad nitong itinapon.

Mabilis namang tumakas si Agsauljo na sinampahan ng kasong ‘direct assault upon an agent of person in authority sa Municipal Trial Court ng Aringay na nagpalabas na ng ‘warrant of arrest ‘ laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)

AGSAULJO

ARINGAY

ARINGAY POLICE STATION

CAMP CRAME

HENRY JACOB

JOY CANTOS

LA UNION

LA UNION PROVINCIAL TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

MUNICIPAL TRIAL COURT

PROVINCIAL CHIEF

REGIONAL EXECUTIVE SENIOR OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with