5 sasakyan inararo ng trak

BATANGAS – Limang sasakyan ang inararo ng trak na nagresulta sa pagkamatay ng isang 15-anyos na estudyante at ikinasugat naman ng anim-katao sa naganap na aksidente sa kahabaan ng J.P Laurel Highway na sakop ng Barangay Poblacion, Malvar, Batangas kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Anjanette Salud. Kabilang naman sa nasugatang biktima na ngayon ay ginagamot sa Mercado General Hospital ay sina Michelle Torres, Paula Dalagot, Alvin Camposano, Abundo Trinidad, Isaac Mathir, Leonardo Tulaylay, Irene Basco, Seth Joshua Manimtim, Dominic Manimtim at Virgilio Lat. Base sa ulat ng pulisya, naitala ang aksidente dakong alas-4:30 ng hapon matapos na araruhin ng trak (PER-260) na minamaneho ni Fernando Llana ang limang sasakyan na kinabibilangan ng dyip (DJN-692), van (WSD-685), owner-type jeep, multi-cab (CRR-462) at cargo truck (THF-954) na minamaneho naman ni Vicente Dayte. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

Show comments