Bus vs bus 2 katao patay
December 24, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang siyam pa ang grabeng nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa Pamplona, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.
Sa ulat na nakalap kahapon sa tangapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Chief General Hermogenes Ebdane Jr., nakilala ang mga namatay na sina Dominador Obero, 54 at Nicolas Elorde, 42-anyos, driver at kundoktor ng Barbosa Line Bus.
Ang mga grabeng sugatan naman na dinala sa Bicol Medical Center sa Naga City ay sina Antonio Lagbo, 44, Panfilo de Ruel, 42, Rolando Caranga, Zenaida Diaz, Roberto Ibay, Nelson Aurellano, Joan Flor at Danny Lavita.
Dakong alas-12:48 ng madaling-araw nang maganap ang salpukan ng Barbosa Line at Eagle Bus sa kahabaan ng Maharlika Highway ng nasabing bayan.
Nabatid pa sa ulat na mabilis ang patakbo ng Eagle Bus na may rutang Manila-Samar nang itoy sumalpok sa Barbosa Line na patungo naman ng Sorsogon.
Ayon pa sa imbestigasyon, nakahinto ang Barbosa line sa pakurbang bahagi ng highway na wala man lang warning device kayat sumalpok ang paparating na Eagle Bus.
Patuloy namang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest