^

Probinsiya

Mag-utol todas sa ambush

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao – Tinambangan at napatay ang magkapatid na lalaki kabilang na ang barangay chairman habang ang mga biktima ay papauwi sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni Chief Inspector Eduardo Marquez ang mga biktimang sina Pendatun Palacad, 39, chairman ng Brgy. Rangaban at kapatid na si Sambutol, 60.

Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo ang magkapatid na biktima mula sa Christmas party na ginanap sa kampo ng Army’s 38th Infantry Battalion.

Habang binabagtas ng magkapatid ang kahabaan ng nabanggit na highway ay biglang humarang ang mga armadong kalalakihang nakamaskara at kasabay nito ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Dito na bumulagta ang mag-utol at nilapitan pa saka pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan para makasigurong patay na ang target.

May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa politika ang naganap na pamamaslang dahil sa nalalapit na ang May 2004 elections. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

AYON

BRGY

CHIEF INSPECTOR EDUARDO MARQUEZ

DITO

HABANG

INFANTRY BATTALION

JOHN UNSON

KINILALA

NORTH COTABATO

PENDATUN PALACAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with