^

Probinsiya

Janjalani mabibitag na rin

-
Susunod nang babagsak sa tropa ng militar ang nalalabi pang matataas na lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa pangunguna ng kanilang lider na si Khadaffy Janjalani.

Ito ang determinadong pahayag kahapon ni AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko, matapos malambat noong linggo si Ghalib Andang alyas Commander Robot sa isinagawang operasyon sa Indanan, Sulu.

Kabilang pa sa tinutugis na mga lider ng ASG ay sina Abu Pula, Radulan Sahiron at Ismin Sabiro; pawang Sulu-based Sayyaf.

Gayundin ang Basilan-based na sina Hamsiraji Salih at Isnilon Hapilon. Ang nasabing ASG top leaders ay pawang may patong sa ulong tig P5 milyon.

Kaugnay nito, sinabi ni AFP-Public Information Office (AFP-P10) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, nagbigay na ng mahahalagang impormasyon si Commander Robot na posibleng magresulta sa pag-aresto sa iba pang wanted na Abu Sayyaf leaders.

Sinabi ni Lucero na tuluy-tuloy ang hot pursuit operations ng militar upang sumunod ng mabitag ang nalalabi pang mga lider at tauhan ng mga terorista.

Magugunita na nauna nang bumagsak sa militar si Nadzmi Saabdulah, alyas Commander Global matapos itong mahuli sa General Santos City noong 2001.

Samantalang si Aldam Tilao alyas Abu Sabaya ang notoryus na spokesman ng Sayyaf ay napaslang naman sa pakikipag-engkuwentro sa mga elemento ng Special Warfare Group (SWAG) ng Phil. Navy noong Hunyo 2002 habang si Commander Mujib Susukan ay napatay naman sa sagupaan sa Sulu noong nakalipas na buwan ng Pebrero ng taong ito.(Ulat ni Joy Cantos)

ABU PULA

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ALDAM TILAO

CHIEF LT

COMMANDER GLOBAL

COMMANDER MUJIB SUSUKAN

COMMANDER ROBOT

DANIEL LUCERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with